Ambisyon EP

by Mic Llave

/
  • Immediate download of 5-track album in the high-quality format of your choice (MP3, FLAC, and more). Paying supporters also get unlimited mobile access using the free Bandcamp listening app.

     name your price

     

1.
04:48
2.
06:05
3.
05:26
4.
05:32
5.
04:40

credits

released 30 September 2012
All Music and Lyrics written by Mic Llave
Keyboards and Synths on "Ambisyon" by Oja Jimenez
Piano on "Oras" by Jesser Sison
Electric guitar on "Bula" by Gino Aguas

Produced by Mic Llave except "Bula" by Gino Aguas

tags

license

all rights reserved

feeds

feeds for this album, this artist

about

Mic Llave Manila, Philippines

Mic Llave is a solo artist from Manila, Philippines. He released a self-produced EP called Ambisyon EP which is a 5-track compilation of his original compositions. He is currently working on a full album. Hopefully, it will be out early next year.

contact / help

Contact Mic Llave

Download help

Track Name: Ambisyon
Ambisyon tayo'y magkakaroon din
Ng pagkakataon kahit di pa ngayon
Tayo'y magkakakilala..
Magkakakilala..

Naghihilik ang oras sa tuwing
Nananaginip ng gising
Nabuhay ang mga praning

Nagtatanim sa hangin
Di bumabalik sa akin
Natatapos ng pailing

Ngunit bakit
Kailangang isipin
Nag-aabot langit
Sa mga panalangin

Ambisyon tayo'y magkakaroon din
Ng pagkakataon kahit di pa ngayon
Tayo'y magkakakilala..
Magkakakilala..

Hindi alam kung may magagawa
Naubos ata ng iba
Ang bunga ng di kanila

Marunong sumakay
Naghahabol sa uso at
Wala sa isip ang pag-aantay

Ngunit bakit
Kailangang isipin
Nag-aabot langit
Sa mga panalangin

Ambisyon tayo'y magkakaroon din
Ng pagkakataon kahit di pa ngayon
Tayo'y magkakakilala..
Magkakakilala..

Sa abot ng aking kamay
Sa layo ng aking tanaw
Sa kada birit ng sigaw
Hinihiling sa langit

Ako at ikaw...
Magkakakilala..
Track Name: Tulak
Uulan biglang aaraw
Susuot ng blusang di giniginaw
Maaring kulang pa
Ang bango ng usok mo

Nagising na lang sa oras ng dilim
Kumagat sa pain ng mga tukso
Imposibleng di malunas ang sakit
Kung di pinilit kumabag sa kilos mo

Chorus:
Sabihin mo lang ang dapat kong gawin
Dahil nabibitin sa tuwing nakatingin
O saan, o san ba hahantong ito?
Tinutulak ang sarili sa iyo

May kalawang na, iikot pa
Di alam kung saan mapupunta
Lumiko, palayo
Susunod patungo

Sa bituing kumikindat tuwing gabi
Lumalabo sa pagliwanag ng mundo
Kung kelan ako natutong tumakbo
Saka hindi mahabol ang hakbang nito

(Repeat Chorus)

Bridge:
Tumigas na lng sa oras na
Pinitas na ang mansanas
Tapos ka na kaya sa kakaisip mo
Lumingon nung may nakita kang
Anino sa eskinita
Ngingiting parang walang nakasunod

(Repeat Chorus)

Tinutulak ang sarili
May kagat ng pagsisisi
Tinutulak ang sarili sa iyo
Track Name: Gising
Kulang pa sa tulog
Di na makatayo sa pagod
Pinikit isang mata
Sinilip kung nanjan ka pa

Pigil ngiti ako
Nakatingin sayo
Kulang na lang ay mapatawa
Sa isip ika'y asawa

Akala ko ito'y
Isang matamis na panaginip lang
Ngayong ika'y nakapiling na

Pwede bang
Tumigil lang muna
Kahit na sandali
Makita lang muli
Ang iyong titig
Na may
Kahalo pang kaba
Para masabi kong tunay
Na napaibig ka
Di ko mapilit ang sarili na
Katabi kita

Kelan pako nagduda
Lagi naman akong umasa
Ginayuma raw kita
Pati sila'y di makapaniwalang

Tayo na ngayon
Hanggang sa habang panahon
Wag lang mauuntog ang ulo
Baka isip biglang magbago

Pumikit ka lang
Ang pag-ibig ko'y hindi
Magkakait ng anumang
Naisin mo sinta

Kinurot ko na ang sarili
Kumagat nako ng sili
Binasa na ang mukha
Eto na nga bang himala

Ito'y hindi panaginip
Dahil ako'y gising
Track Name: Oras
Magdamag
Palipat-lipat
Hindi natatapat sa sikat
Ng iyong mga mata

Kung sisihin
Ang sarili
Akala mo'y may masasabi
Pag nasa harap ka na

Di na makita ang hiling na
Kung maari'y bumalik na
Tayo sa tunay na mundo
At kalimutan ang sakit na
Dulot ng mga halik na
Walang kabuluhan
Walang kabuluhan

Kelan magbabalik ang pag-ibig
Kelan muling masasabik sa iyo
Oras kelan ka iikot paatras?

Pansinin
Mo ang gabi
Parang walang pinag-iba
Nandito na at katabi kang

Malamig
Walang imik
Iginuguhit nga sa langit
Ganda mo'y di pa maakit

Sambitin na ang hiling na
Kung maari'y bumalik na
Tayo sa tunay na mundo
At kalimutan ang sakit na
Dulot ng mga halik na
Walang kabuluhan
Walang kabuluhan

Kelan magbabalik ang pag-ibig
Kelan muling masasabik sa iyo
Oras kelan ka iikot paatras?
Para maituwid ang pagkakamali

Kelan magbabalik ang pag-ibig
Kelan muling masasabik sa iyo
Oras kelan ka iikot paatras?
Track Name: Bula
Pasensya na
Hindi ako nagbabasa ng luha
O ewan ko

Sabihin mo
Lahat ng laman ng iyong puso
Nakikinig ako

Di ka masakyan
Hindi ka maintindihan
Takbo ng isip mo
Hindi magkatagpo sa dulo
Wala nang paraan
Kundi tanong ko'y pagtakpan
Nasan ang kausap ko?

Para lang bula kung mawala
Kung saan saan napupunta
O nasan ka

Paulit ulit tayo
Wala na bang magiging bago
Maingay ang sigaw ng iyong utak naliligaw

Kalaban ang sarili
Kontra ka sa iyong sinabi
Di mo na alam ang gusto mo
Kinain ka na ng iyong talino

Para lang bula kung mawala
Kung saan saan napupunta
O nasan ka

Nawawalang sandalan
Nakaukit ang iyong pangalan
Paligoy-ligoy lumalangoy sa kababawan

Lulubog ang araw
Ubos sa panibagong dalaw
Tahimik ang mundo sa iyong galaw

Ano nga bang panuto
Para magkaintindihan tayo
Isang bula sa bawat salita

Para lang bula kung mawala
Kung saan saan napupunta

Sinisigaw, matutulig
Hindi matapos-tapos sa pagbabalik
Naririnig
Paulit-ulit lagi tayong may mali
Mangangapa
Nagkanda-ligaw ligaw
Laging nawawala
O nasan ka?